Munting Dahon #41

Inunahan na niya ang panahon,
at tinaggap na niya ang paparating.
Kaakibat ng kanyang pananampalataya
ang puhunan ng kanyang diwa.
Sinangla na niya ang kanyang kaluluwa,
wala na ang kanyang diwa,
ngunit siya pa rin ang nangunguna
sa pagtuturo ng pagniniwala.

Comments

Popular posts from this blog

Munting Dahon #66

Munting Dahon #68