Ang mga munting pilik pumiring sa munting paningin. Nagtampisaw sa langit, gumapang paibaba at gumuhit inukit ang isang larawang maski isang paslit ay manginginig.
At nalaglag ang dahon. Ang kanyang kamay sa dulo'y puno ng luntiang simoy. Dahan dahan isasayaw ng hangin sa tugtuging kaluskos ng kakahuyan. Magaang hahalik sa lupa ang labi, tanging baon ang isang mumunting luha.
Balang araw, malilimutan ka nilang ipagdasal. Ang iyong mga pangaral ay bubulong sa kanilang mga tenga. Ang kandilang nakabantay sa'yo ay hindi na nila muling sisindihan.
Amoy alak ang baso, hinagkan ng tubig ang sisidlan. Sa bandang dulo maabot pangarap ng ilong at nguso. Wala umaalalang manginginom ang nanandaling sumantabi. Winasiwas ng tabang ang umalalay na pait. Hindi malimutang hindi magalala. Gripo ang pinanggalingan ng anod.