Munting Dahon #31
Gumagapang ang tubig,
Lalapit sa paanang sumisilim.
Wawangisin ang yapak,
Sa bandang dulo nakayakap
ang kalsadang bahag sa panunuyo.
Habang aakitin ang diwang nanunuyo.
Sisigaw ang banaad,
"Kuya sa kabila ang bayad."
Lilingon ang suwelas,
Aatras, sabay, walang pakundangan,
Sa luha ay hindi magpupumiglas.
Kapaligirang basa at maalinsangan.
Aapak sa tubig,
Nagwagi ang hindi pag-ibig.
Comments
Post a Comment