Munting Dahon #55

Amoy alak ang baso,
hinagkan ng tubig ang sisidlan.
Sa bandang dulo maabot
pangarap ng ilong at nguso.
Wala umaalalang manginginom
ang nanandaling sumantabi.
Winasiwas ng tabang
ang umalalay na pait.
Hindi malimutang hindi magalala.
Gripo ang pinanggalingan ng anod.

Comments

Popular posts from this blog

Munting Dahon #66

Munting Dahon #68