Munting Dahon #59

At nalaglag ang dahon.
Ang kanyang kamay sa dulo'y
puno ng luntiang simoy.
Dahan dahan isasayaw ng hangin
sa tugtuging kaluskos ng kakahuyan.
Magaang hahalik sa lupa ang labi,
tanging baon ang isang mumunting luha.

Comments

Popular posts from this blog

Munting Dahon #66

Munting Dahon #68