Munting Dahon #70

Nalalapit na ang huling pahina.

Hihipan na ang mga piring
na nakaduyan sa ibabaw ng minatamis.
Aayaw na ang langit sa kalungkutan.
Aapaw na ang kasiyahan.

Ngunit—

Ang maskarang maputla'y tila ayaw pa ring
magpadaig.
Nakangiti pa rin,
sa likod ng mga matang nakapikit—
walang ginhawa,
ngunit hinagpis ang namamayagpag.

Isang ihip na lamang,
at matatapos na ang pahinang
payapang namamalagi.

Ang duyan ay gugupitin,
yuyurakin, at walang habas na—

O! Teka?

Bakit parang nakangiti pa?

Hindi ba malapit nang matapos
ang kaarawang nakagapos?

O! Teka?

May laban pa ba?

O, mistulang nasa ilalim ng baul—
ang pag-asa'y hindi pala...

Comments

Popular posts from this blog