Posts

Munting Dahon #70

Nalalapit na ang huling pahina. Hihipan na ang mga piring na nakaduyan sa ibabaw ng minatamis. Aayaw na ang langit sa kalungkutan. Aapaw na ang kasiyahan. Ngunit— Ang maskarang maputla'y tila ayaw pa ring magpadaig. Nakangiti pa rin, sa likod ng mga matang nakapikit— walang ginhawa, ngunit hinagpis ang namamayagpag. Isang ihip na lamang, at matatapos na ang pahinang payapang namamalagi. Ang duyan ay gugupitin, yuyurakin, at walang habas na— O! Teka? Bakit parang nakangiti pa? Hindi ba malapit nang matapos ang kaarawang nakagapos? O! Teka? May laban pa ba? O, mistulang nasa ilalim ng baul— ang pag-asa'y hindi pala...

Munting Dahon #69

Pa, ano na ang sinaing? Luto na ba, o hanggang ngayo’y lagpas-lagpas pa rin sa guhit ang takal — hindi ng tubig, kundi ng alak na siyang dinadahilan sa pagkawatak-watak ng pamilyang dapat ay sama-sama sa may hapag na walang samaan kundi ng magandang samahan at galak na ngitian. Pa, ano na ba nangyari sa sinaing? May ulam na, heto na — pero bakit parang ayaw n’yong dalawa magkita ni Mama, mata sa mata, tenga sa tenga, puso sa puso, tibok sa tibok. Maganda sana kung intindi n’yo ang isa’t isa. Ma, Pa.. Yung sinaing luto na. Yung ulam nakahanda. Pero.. Paano na 'to? Ma'ano na 'to? Pa, ano na? Ma, ano na? Yung sinaing… Ba't ganun ang amoy? Pa, ano na? Bakit yung ibabaw hilaw pa? Ma, ano na? Bakit may tutong? Bakit basa pa? Pa, ano na? Ma, ano na? Kakain na ba? Kakain.. pa ba?

Munting Dahon #68

Paano na ang sinaing? Kung nahanda na ang lahat-lahat, magbabantay na lamang ang kailangan. Bungangaang sapilitan, usapang walang magkaintindihan. Galit sa galit, puso sa puso, ang tibok hindi dinig. Maayos nga na walang kalderong lumilipad o kutsilyo’t kubyertos na magkakapakpak. Pero paano na ang sinaing? Sino ang magbabantay, na ang musmos na anak ay wala pang tinig, at sa pagitan ng dapat na nagmamahalan ay poot ang naghahari? Paano na ang sinaing kung ang pag-ibig ay wala na? Paano na ang sinaing kung ang mahal sa bigas ay wala na? Paano na ang sinaing kung ang hinain ay babalewalain? Paano na ang sinaing kung sa hapag ng tahanan lahat ay walang ganang kumain? Masarap man ang isasabay na ulam sa kaning mainit, kung irapan at samaan lamang ng loob ang isasabaw sa dapat na nguyang masigasig. Paano na ang sinaing? Kung mismong pangakuan ay mistulang iniluluwa, kung sakaling mainit pa ang subo sa pagkain. Paano na ang sinaing, kung sa hapag ay wala nang kakain at sa bahay na tahanan a...

Di uso #1

mga bagay na di lalabas sa inyong isip #1: tangina bat ko nilagyan ng asin yung kape

Munting Dahon #67

Bulag sa gatuldok na hiwaga. Bulag sa tunay na himala. Gatuldok lamang ang pananampalataya. Tunay nga na hiwaga, Himalang gatuldok lamang Ang pananampalataya.

Munting Dahon #66

Kayo na po ang bahala, Hindi na ako maniniwala Sa mga sabi-sabi Na h'wag na ako mag tiwala. Ikaw lang talaga ang dapat na sisihin Sapagkat ikaw ang may nais At lahat ay may kadahilanan.

Munting Dahon #65

Pumunta akong langit Ang pagpasok ay may singil, Sais pesos para sa isa. Singko lamang ang aking dala. Lingon kong mabigat Sa aking likuran. Lima pa na aking kasabay, Kanila ding bitbit ay tig-iisang lima. Ako ba'y manlilimos ng lima O magpapalimos ng tig-iisa? O tulad ng iba na sadya ay wala, Anim kaming magsasama-sama. Marahil ito na ang tamang panahon Na ako'y hihingi ng tawad.

Munting Dahon #64

H'wag mong gisingin ang gising. Gisingin mo ang bagong gising.

Munting Dahon #63

Kayo na po ang bahala, hindi ko na po alam.

Munting Dahon #62

Kung saan ka nagmumog, doon ka rin maghihilamos.

Munting Dahon #61

Habang nagkaka-edad, mas hanap na yung pait ng limot kaysa yung pait ng alaala.

Munting Dahon #60

Ang mga munting pilik pumiring sa munting paningin. Nagtampisaw sa langit, gumapang paibaba at gumuhit inukit ang isang larawang maski isang paslit ay manginginig.

Munting Dahon #59

At nalaglag ang dahon. Ang kanyang kamay sa dulo'y puno ng luntiang simoy. Dahan dahan isasayaw ng hangin sa tugtuging kaluskos ng kakahuyan. Magaang hahalik sa lupa ang labi, tanging baon ang isang mumunting luha.

Munting Dahon #58

Isang yapak palapit sa hukay.

Munting Dahon #57

Pasan ko ang pngarap niyang hindi ko matutupad.

Munting Dahon #56

Balang araw, malilimutan ka nilang ipagdasal. Ang iyong mga pangaral ay bubulong sa kanilang mga tenga. Ang kandilang nakabantay sa'yo ay hindi na nila muling sisindihan.

Munting Dahon #55

Amoy alak ang baso, hinagkan ng tubig ang sisidlan. Sa bandang dulo maabot pangarap ng ilong at nguso. Wala umaalalang manginginom ang nanandaling sumantabi. Winasiwas ng tabang ang umalalay na pait. Hindi malimutang hindi magalala. Gripo ang pinanggalingan ng anod.

Munting Dahon #54

Sa mundong mapait, tanging alak lang ang nagpapatamis. Isa itong kasinungalingan.

Munting Dahon #53

Wawangisin ng langit ang ating damdamin, luluha ito para sa atin.

Munting Dahon #52

Naglayag ang dagat, dala niya ang simoy ng alat. Hindi mababatid ang tabang ng pinagmulang niyang sapa.